TILA hindi tinamaan ng Bagyong Tino ang lalawigan ni Bohol Governor Aris Aumentado!
Saksi ang marami nating kababayan sa Bohol ang epekto ng paghahanda ni Aumentado upang masiguro ang wasto at sapat na pag-aalaga bago pa man tumama ang bagyo sa naturang lalawigan nitong nakalipas na mga araw ng Lunes at Martes.
Agad pinulong ang lahat ng ahensiya ng gobyerno sa Kapitolyo ng Bohol upang epektibong mailatag ang mga gagawin para masigurong ligtas at hindi magugutom o mauuhaw ang mga Bol-anon sa panahon ng pananalasa ng bagyo.
Ang bohol ay binubuo ng 47 munisipyo, isang siyudad at sangkatutak na mga isla na sadyang delikado tuwing mayroon bagyo na daraan sa nasabing lalawigan gaya noong nakalipas na taon ng 2021 nang tumama si Bagyong Odette.
Inilikas ang mga nasa maliliit na isla patungo sa mga evacuation center na sapat ang pagkain at tubig habang ang mga nasa isla na kayang salubungin ang bagyo ay nakatanggap din ng kapareho rin na uri ng pag-aalaga.
Pansamantalang ipinatigil din agad ang operasyon patungkol sa pasyalan ng mga turista sa Bohol tulad na lamang doon sa Chocolate Hills at ang sikat na Loboc River Cruise upang iwas-sakuna na posibleng ihatid ng bagyo.
Sa pangkalahatan ay masasabing naging sapat ang kahandaan at alaga ng gobyerno ni Aumentado laban kay Bagyong Tino lalo sa mga bayan doon sa dakong hilagang silangan kung saan itinaas ang typhoon signal number 4.
P/Col Patricio Degay Jr. ng PNP Bohol
Kaya pala hindi matagpuan sa kanyang opisina ang hepe ng Bohol Police Provincial Office na si Police Colonel Degay Jr. ay dahil nasa ika nga ‘on-the-ground’ ito bago pa man hanggang sa makalayas ng lalawigan ang Bagyong Tino.
Sinamahan nito ang kanyang mga pulis upang maging halimbawa sa pagbibigay ng tunay na serbisyo publiko sa panahon ng mga kalamidad tulad ng bagyo kung saan bawal ang patulog-tulog sa pansitan.
Inatasan din nito ang lahat ng kanyang Chiefs of Police na laging maging handa lalo sa paglalatag ng mga malinaw na plano upang matulungan ang publiko habang siniguro nito ang pagpapanatili ng ‘police visibility’ laban sa mga lukotoy sa panahon ng kalamidad.






