Home HOME BANNER STORY PBBM, nagpataw ng zero tariff sa tin mill black plates sa loob...

PBBM, nagpataw ng zero tariff sa tin mill black plates sa loob ng tatlong taon

302
0

MANILA, Philippines – Nagpalabas si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng isang executive order na pansamantalang magtatakda ng zero percent sa taripa sa import duty sa tin mill black plates (TMBP).

Layon nito na suportahan ang domestic tin plate at tin-free steel industries na nagsu-suplay sa canned food manufacturers sa bansa.

Sa ilalim ng Executive Order (EO)104, nilagdaan ni Pangulong Marcos nito lamang Nobyembre 6 at isinapubliko, araw ng Sabado, ang implementasyon ng 3 percent tariff sa TMBP ay suspendido sa loob ng tatlong taon.

Layon ng hakbang na ito na suportahan ang mga local manufacturer, tiyakin na matatag ang suplay at presyo ng canned goods, at panatilihin ang ‘competitiveness’ ng Philippine food processors kapuwa sa domestic at export markets.

Ipinalabas ng Pangulo ang EO 104 kasunod ng pag-endorso ng Economy and Development (ED) Council noong Agosto20, inirekumenda ang pagbabawas sa Most Favored Nation (MFN) tariff rate sa TMBP.

Sa kabilang dako, inatasan naman ang Department of Economy, Planning and Development na magsumite sa Pangulo ng ‘findings at recommendations’ nito kabilang na ang analysis at monitoring results ng TMBP market, isang taon matapos ang implementasyon ng zero-tariff rate.

Sa ngayon, walang local production ng TMBP o kahit na anong substitute product na available sa bansa.

Ang TMBP ay nagsisilbi bilang primary raw material para sa pagpo-produce ng tin plates at tin-free steel, na malawakang ginagamit sa canned food industry.

Samantala, sinabi ng ED Council na ang temporary modification ng MFN tariff rate ay muling magpapasigla sa local tin plate at tin-free steel manufacturing, gagawing matatag ang supply chain, mababawasan ang production costs, makalilikha ng trabaho at mapangalalagaan ang isang ‘favorable environment’ para sa pamumuhunan.

Ang EO 104 ay magiging epektibo, 30 araw matapos itong ilathala sa Official Gazette o sa isang pahayagan na may general circulation. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here