Home OPINION WHAT NOW MR. PRESIDENT?

WHAT NOW MR. PRESIDENT?

364
0

MADALING itanggi ni Mr President ang revelation ni Zaldy Co na walang katotohanan at pawang kasinungalingan lamang dahil tahasang itinuro siya at ang pinsan niya si Martin Romualdez na mga mastermind sa flood control scam.

Gusto lamang daw sagipin ni Zaldy Co ang kanyang sarili. Maari? Pero kung gusto niya lamang sagipin ang kanyang sarili bakit dinamay pa niya ang pinakamakapangyarihang tao sa Pilipinas. Bakit hindi lang si Martin Romualdez? O bakit hindi ang mga Duterte na pinangangalandakan ni Claire Castro? May tape conversation kaya si Zaldy with the president? A note? O ibang witnesses na magpapatunay na totoo na si Mr. President ang mastermind?

Hindi sapat na itanggi lang ni Presidente Marcos ang paratang ni Zaldy Co. Kung ang mga tuta niya ay nagsasabing walang “probative value” ang video dahil ” not under oath” then dapat ang mga pagtanggi ni Mr. President at lahat ng isinangkot ni Zaldy Co ay under oath din dahil as Senator Panfilo Lacson would say ” no probative value” ang pagtangi because not under oath.

Ang bagal n’yo kasi Mr. President. You could have directed your Department of Foreign Affairs Secretary to cancel the passport of Zaldy Co. Pero sabi n’yo wala pang kaso kahit national security ay involved na.

Ngayon gusto na niya gawin. Ang problema baka may ibang passport na si Zaldy Co galing sa ibang bansa.

Totoo man ang video o hindi ay dapat pa rin managot si Zaldy Co sa mga kasong isasampa laban sa kanya. Pero sino pang mga higanteng buwaya ang dapat isama? Mabuti na lamang Mr. President at may “immunity from suit” ka at safe ka in the meantime. Pero it’s just a matter of time na haharap ka rin sa kaso pagkatapos ng termino mo o pag minamalas-malas ka ay mapaaaga pa.

So, what now Mr. President?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here