Home OPINION RULE OF LAW VS RULE OF TAO

RULE OF LAW VS RULE OF TAO

342
0

ALIN kaya ang mananaig sa tunggalian ng mga pwersa ngayon sa ating lipunan na nagsimula sa anomalya sa flood control projects?

Kahapon, nagsimula ang pagtitipon ng daan-daang libo kundi man milyong tao laban sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos o kaya’y malakihan at malaganap na korapsyon.

May magtitipon o magra-rally sa EDSA at binubuo pangunahin ng mga kapatid na Muslim.

Anila, target nila ang milyong dadalo.

Sa Rizal Park o Luneta Park naman, milyon din ang dumalo sa rally na pinangungunahan ng Iglesia ni Cristo.

Mayroon ding dumalong iba pang mga grupong panrelihiyon.

Tatlong araw umanong isasagawa ang mga rally mula kahapon hanggang bukas.

Maliban sa mga nabanggit na grupo, may iba pang mga hiwalay na grupo na nagsasagawa ng mga tuloy-tuloy na rally hanggang sa katapusan ng buwang ito na nagnanais pabagsakin sa pwesto mismo ang Pangulo at ang pamahalaan nito at magtayo ng bagong gobyerno.

Sumasali rin sa pagpuna sa pamahalaan mismo ang Catholic Bishops Conference of the Philippines.

NAG-ALAB KAY ZALDY CO

Lalong nag-alab ang mga damdamin ng mga mamamayan nang ihayag ni dating House Appropriations Chairman Zaldy Co na mismong si Marcos ang ugat ng anomalya nang iutos umano nito sa kanya na magsingit ng P100 bilyon sa Bicameral Conference Committee na hindi niya nagawang tanggian.

Nasa 25 porsyento umano ang kikbak ng Office of the President kay nasa P25 bilyon iyon at wala siyang parte rito.

At si Marcos mismo umano ang nag-utos upang hindi siya umuwi sa Pilipinas at manahimik na lang sa mga lumiliyab na usaping katiwalian kapalit ng pag-aalaga sa kanya sa labas ng bansa.

Bukod sa kanyang mga pahayag, naglabas pa ito ng napakaraming maleta na roon nakasilid umano ang mga salaping kikbak mula sa mga anomalya at pinatotohanan nito ang testimonya ni ex-Philippine Marines Orly Guteza na male-maleta ang mga kikbak na idinedeliber sa Malakanyang at sa ilang lugar sa Forbes Park.

Mga 10 magkakaibang araw na pagdedeliber ng mga kikbak ngunit lumilitaw na pawang ginawa iyon nitong nakaraang taon mula Enero hanggang Oktubre at hindi sa 2025.

RULE OF LAW PANGIBABAWIN

Sa panig naman ng pamahalaan, iginigiit nito na dapat pangibabawin ng lahat ang pag-iral ng batas o rule of law at pagtitiwala sa pamahalaan na magbigay ng hustisya.

Nireresolba na umano ang problema sa katiwalian sa flood control at nagsasama-sama ang Senado, Office of the Ombudsman, Department of Justice at Independent Commission for Infrastracture para rito.

Dapat umanong magtiwala ang lahat sa ginagawa ng gobyerno para may managot sa mga katiwalian at maibalik ang mga nakaw na yaman bilang anyo ng hustisya at sakop na rin ng hustisya ang mga namatay at naghihirap sa mga nakamamatay at perwisyong mga baha, landslide at iba pa na likha ng nasabing anomalya.

Saan kaya pupulutin ang mahal kong Pinas kung walang aatras o walang pag-uunawan sa tunggalian?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here