Home HOME BANNER STORY Pinas bumulusok sa Climate Change Performance Index

Pinas bumulusok sa Climate Change Performance Index

285
0
NAGLALAKIHANG alon ang humahampas sa Navotas seawall dahil sa lakas ng hangin dala ng bagyong Uwan. JOJO RABULAN

MANILA, Philippines – Bumaba ang ranggo ng Pilipinas sa ika-19 puwesto sa pinakabagong Climate Change Performance Index (CCPI), mula sa nakaraang posisyon nito, ngunit nanatili itong nangungunang bansa sa Timog-Silangang Asya na may score na 62.79.

Sinundan ito ng Vietnam sa ika-24 puwesto na may 60.65.

Iniwan ng CCPI ang top three spots na walang nakaupo dahil “walang bansa ang sapat ang lakas sa lahat ng kategorya para makamit ang very high rating.”

Batay sa climate policies, renewable energy performance, paggamit ng enerhiya, at greenhouse gas (GHG) emissions ang pagbibigay ng ranggo.

Maganda ang puntos ng Pilipinas sa energy use (ika-7) at GHG emissions (ika-12), dahil sa mababang emissions nito sa kasaysayan, ngunit mababa ang ranggo sa renewable energy (ika-34) at climate policy (ika-29).

Ayon sa CCPI, bumaba ang ranggo ng bansa dahil sa kakulangan ng net-zero target at kakulangan ng ambisyosong unconditional intermediate targets.

Binanggit din ng mga eksperto ang Article 6 o carbon markets, dahil sa “kakulangan ng sapat na environmental at social safeguards at mababang prioridad sa non-market approaches.”

Bagama’t naglabas ng circular ang Department of Energy tungkol sa Article 6, hindi pa natatapos ang kabuuang Philippine Strategy.

Punto rin sa ulat na hindi na-meet ng Pilipinas ang deadline para sa updated Nationally Determined Contributions (NDCs), na nakaapekto sa score.

Sa kasalukuyang NDC, layunin ng bansa na bawasan ng 75% ang GHG emissions, ngunit 2.71% lamang ang unconditional, habang ang natitirang 72.29% ay nakadepende sa suporta mula sa ibang bansa. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here