MANILA, Philippines – Kinastigo ni Senador Erwin Tulfo ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa hindi umano nito pagtupad sa mandato nitong pigilan ang pagkasira ng kalikasan.
“They’re not doing their job. They cannot even answer the questions raised before their agency. Why will we fund an agency, P27 billion, when they cannot even do their jobs? They’re using the agency as a milking cow, ever since, Mr. President. Why?” ang galit na sinabi ni Tulfo sa katatapos na deliberasyon ng plenaryo ng Senado sa panukalang 2026 budget ng DENR.
Ibinahagi ni Senador Loren Legarda, na nagtatanggol sa badyet ng ahensya, ang kanyang pagkadismaya sa kawalan ng aksyon at pagiging maagap ng DENR.
“I cannot defend and answer that, and I hope I am the one asking questions because this is difficult to defend. I have no answers; I will not invent answers. I am even more frustrated than you,” saad ni Legarda.
Sa kanyang interpellations, ibinangon ni Tulfo ang ilang mga isyu sa kapaligiran sa buong bansa na nagpapakita ng kapabayaan ng gobyerno sa pagpigil sa mga mapaminsalang aktibidad tulad ng pagtotroso, pagmimina, at pagtatayo ng mga iligal na imprastraktura sa mga protektadong lugar.
Pinatunayan ng neophyte senator ang kanyang mga pahayag sa pamamagitan ng mga video at larawan ng aktwal na mga site ng nawasak na likas na yaman sa Cantilan, Surigao del Sur; Doña Remedios Trinidad, Bulacan; Gutalac, Zamboanga del Norte; ang mga bulubundukin ng Sierra Madre; bukod sa iba pa.
Nang ilabas ang mga isyung ito, nanatiling tahimik o nabigo ang DENR na magbigay ng malinaw na sagot sa Senador.
Matatandaang, sa sandaling ipagpatuloy ang mga sesyon ng Senado matapos ang pananalasa ng mga nagdaang bagyo, si Tulfo ay nagbigay ng privilege speech na nananawagan sa ahensya para sa pananagutan at paghingi ng proteksyon sa Sierra Madre Mountains.
“The Sierra Madre has saved Luzon countless times — from Typhoon Yolanda, Rolly, Paeng, and now Uwan. But who will save the Sierra Madre? It cannot speak for itself. It cannot march to this hall. It cannot plead for mercy against bulldozers and chainsaws. It relies on us — the people’s representatives — to give it voice and legal protection,” aniya. “I hope, Mr. President, dear colleagues, it is not too late. Compassion is what we need to save this nation, to save our environment.”
Ang proposed 2026 outlay para sa buong gobyerno ay nagkakahalaga ng P6.793 trilyon, ang pinakamalaki sa kasaysayan ng bansa. RNT/MND