
NAVOTAS CITY — Inilunsad ni Mayor John Rey Tiangco ang PhilHealth “Yaman ng Kalusugan Program (YAKAP) para sa mga Mag-aaral” sa Kapitbahayan Elementary School, na sasaklaw sa 44,301 mag-aaral mula elementarya hanggang senior high school sa mga pampublikong paaralan.
Noong Oktubre 2025, 91% ng 250,000 residente ng Navotas ay nakatala sa YAKAP, pinakamataas sa Metro Manila, ayon sa PhilHealth.






