MANILA, Philippines – Patay ang isang 36-anyos na lalaki nang barilin matapos umano’y mang-bully sa Esmeralda Street sa Barangay 38, Tondo, Manila, bandang hatinggabi noong Lunes, Disyembre 1.
Ayon sa mga opisyal ng barangay, pauwi na sa bahay ang suspek nang bigla itong konprontahin ng suspek sa isang eskinita at binaril ng apat na beses.
Agad namang dinala ang biktima sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, paulit-ulit umanong binubully ng biktima ang suspek na nag-udyok sa kanilng dalawa na magtalo hanggang sa nauwi sa pamamaril.
Nadiskubre ng pulisya na ang biktima ay wanted sa mga insidente na may kinalaman sa pamamaril.
Nagpapatuloy ang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa kaso. Jocelyn Tabangcura-Domenden