Home NATIONWIDE PBBM, ayaw ng reenacted budget sa susunod na taon – Malakanyang

PBBM, ayaw ng reenacted budget sa susunod na taon – Malakanyang

235
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Malakanyang na ayaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang reenacted budget para sa susunod na taon.

Kaya nga ang pakiusap ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa mga mambabatas ay bilisan ang trabaho at bilisan ang pag-aaral.

“Bilisan ang trabaho. Dapat bilisan ang pag-aaral. Ayaw po ng Pangulo ng reenacted budget alam po natin iyan. So, hangga’t maaari bilis-bilisan natin although kahit kapos ang panahon sana po mas mapabilis natin,” ang sinabi ni Castro.

Nauna rito, sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian na kapos na ang panahon para maipasa ang panukalang 2026 national budget.

Batay sa pahayag ni Gatchalian, kapag hindi naipasa ang 2026 national budget ay hindi umano malayong maulit ang pinakamaanomalyang 2025 national budget na marami umanong insertions na wala sa isinumiteng National Expenditure Program. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here