Home OPINION NAGKAGULO SA BUCANA BRIDGE SA DAVAO CITY

NAGKAGULO SA BUCANA BRIDGE SA DAVAO CITY

303
0

PAGKALIPAD palayo sa Bucana Bridge, Davao City ni Pangulong Bongbong Marcos sakay ng isang helikopter, hindi napigilan ng ilang Davaoeño na magsisigaw ng halos walang katapusang “Duterte, Duterte, Duterte…”

Normal ang ganitong pangyayari kahit saan na may pagkiling sa pulitika ang mga mamamayan at may kiskisan ang mga pulitiko.

Ngunit ang pagsigaw ay nagkaroon din ng ibang kulay nang sabihin mismo ni Pang. Marcos na “This is one of the four major projects — our legacy projects — that we will be finishing in Davao and its environs. Marami na tayong nabuksan na section dito. And this will now be another major part of this bypass road.”

Hindi nagustuhan ng nakararaming Davaoeño ang nasabing pahayag ng Pangulo dahil mistulang inangkin umano nito ang proyekto samantalang pinasimulan ito noon pang 2017 ni dating Pangulong Digong Duterte habang nakaupo namang Davao City Mayor si ngayo’y Vice President Sara Duterte.

Taong 2018 nang magkaroon ng kasunduan ang China at Pilipinas sa ilalim ni Digong at pinondohan ito ng ₱3.126 bilyon mula sa China Aid Grant.

Naantala ang paggawa rito pangunahin dahil sa pagdating ng Covid-19 sa kabila ng pagkumpleto ng mga design at iba pa at saka lang nasimulang gawin ito sa panahon naman ni Pang. Bongbong hanggang sa matapos at magagamit na sa Disyembre 15, 2025.

Matapos na sumabog ang kontrobersya sa pag-angkin umano sa tulay bilang isa sa apat na legacy projects ng Marcos administration, nagpaliwanag agad si MINDANAO Development Authority Secretary Leo Tereso Magno.

Aniya, walang pulitika kundi opisyal lang na lakad ng Pangulo ang pag-inspeksyon at sa katunayan, pinasalamatan umano ng Pangulo ang paggawa rito ng China Road and Bridge Corporation.

Tanong: Totoo nga bang inangkin ni PBBM at itinuring bilang kanyang legasiya o pamana ang 1,340 metrong tulay?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here