Home SPORTS Barredo kinoronahang mixed masters champ ng Remate Open Championships  

Barredo kinoronahang mixed masters champ ng Remate Open Championships  

315
0
IPINAGKALOOB ni Remate Bowlers Club/Manila Tenpin Bowlers Association President Benny Antiporda ang premyo at trophy sa mga nagwagi sa Mixed Masters division ng 2nd Remate Open Championship sa pangunguna ng nagkampeon mula sa (gitna) SLETBA-Remate-Bearing Center na si Luis Barredo, (kaliwa) 1st Runner up TBAM Kenneth Chua at (kanan) 2nd Runner up PTBA CJ Acuavera.REY NILLAMA
IPINAGKALOOB ni Remate Bowlers Club/Manila Tenpin Bowlers Association President Benny Antiporda ang premyo at trophy sa mga nagwagi sa Mixed Masters division ng 2nd Remate Open Championship sa pangunguna ng nagkampeon mula sa (gitna) SLETBA-Remate-Bearing Center na si Luis Barredo, (kaliwa) 1st Runner up TBAM Kenneth Chua at (kanan) 2nd Runner up PTBA CJ Acuavera.REY NILLAMA

MANILA, Philippines – Hinirang na kampeon si Luis Barredo matapos manalasa sa Mixed Masters Division ng katatapos na 2nd Remate Open Championships na ginanap sa Playdium Bowling Center sa Quezon City.

Kumamada si Barredo (SLETBA-Remate-Bearing Center) ng 2,409 sapat para masungkit ang kampeonato sa Mixed Masters at maibulsa ang tumataginting na P80,000 champion cash prize at trophy.

Mismong si Remate Bowlers Club/ Manila Tenpin Bowlers Association President Benny Antiporda ang nag-award ng premyo at trophy kay Barredo at sa ibang mga nanalo sa event na suportado ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Naibulsa naman ni Kenneth Chua (TBAM) ang 1st runner-up crown at nakuha ang P40,000 cash prize at trophy matapos umiskor ng 2,343.

Kumpiyansa si Chua na makababawi siya sa 3rd Remate Open Championships dahil kaunti lang ang diprensiya ng kanilang iskor kontra sa hinirang na kampeon na si Barredo.

Si CJ Acuavera na pambato ng PTBA ang nag-uwi ng 2nd runner-up plum sa iskor na 2,297 at tumangay ng cash prize na P20,000 plus trophy.

Hindi rin nagpa-iwan si J. Em Ang ng PBA na sumungkit ng 4th runner-up na karangalan nang umiskor ng 2,257 sa kabuuan at si Jolo Ramirez (MBA) na hinirang na 5th runner-up sa iskor na 2,243.

Tumanggap si Ang at Ramirez ng premyong P10,000 at P5,000, ayon sa pagkakasunod-sunod, bukod pa sa napakagandang tropeo.

Sumungkit din ng karangalan at may tig-P4,000 cash prizes sina Rafael Dytoc (PTBA-U&I), Juancho Calumpong (PBA-Bearing Center) at Timothy Hung (SCTBA) na hinirang na 6th, 7th, at 8th runners-up, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Layunin ni Antiporda na mapalakas at mapasikat ang sports na bowling at makadiskubre ng mahuhusay na manlalaro ng bowling na pwedeng isabak sa local at international competitions.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here