Home ENTERTAINMENT Imelda Papin, emosyunal sa anthem na Pilipino Tayo!

Imelda Papin, emosyunal sa anthem na Pilipino Tayo!

409
0
Screenshot

Manila, Philippines — Puno ng damdamin, suporta, at pagkakaisa ang nangibabaw sa Tanghalang Pasigueño sa grand launching ng anthem na Pilipino Tayo.

Dumagsa ang mga Pilipino mula sa iba’t ibang antas ng pamumuhay — anuman ang kulay pulitika o pinagmulan, upang ipagdiwang ang isang kantang nagbubuklod sa lahat.

Inawit ng kilalang mang-aawit na Ms. Imelda Papin ang kanta, na nilikha nina Mon del Rosario at Papin, at agad itong tumimo sa puso ng mga dumalo.

Sa pagbukas ng anthem: “Pilipino Ako, Pilipino Tayo… Oh! Pilipino Tayo…” ‘Yan ang agad na maririnig.

Ramdam agad ang pagmamahal sa bayan at pagkakakilanlan bilang Pilipino.

Nagpatuloy naman ang emosyon sa pagtatanghal ng tinaguriang Julebox Queen.

“Ako ay Pilipino, malalim kung magmahal… hindi tumatalikod sa krusada ng kapayapaan… Sa aking mga magulang ako ay magalang…”

Ang pre-chorus na, “Kahit labi ko ay may ngiti, kahit tinig ko ay may lambing…” ay nagdulot ng katahimikan sa auditorium bago pumutok ang malakas na palakpakan sa chorus:

“Di mo mabibili, bakal ang paninindigan… Pilipino Ako!”

Marami sa mga dumalo ang naantig at nakaramdam ng nostalgia, naalala ang mga alaala ng kabataan, pamilya, at mga pinapahalagahan nating tradisyon.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Imelda:

“Ang kantang ito ay paalala na saan man tayo dalhin ng buhay, iisa pa rin tayong sambayanan — matatag, nagmamahalan, at nagkakaisa. ‘

“Ang Pilipino Tayo ay alay ko sa bawat Pilipinong patuloy na lumalaban para sa ating bayan.”

Ayon sa mga organizer, higit pa sa isang kanta ang  Pilipino Tayo— ito ay paanyaya sa pagkakaisa, pagmamalaki, at pagmamahal sa Pilipinas. JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here