Home ENTERTAINMENT Katrina, sinubukan ang P500 noche buena challenge, bokya!

Katrina, sinubukan ang P500 noche buena challenge, bokya!

360
0

Manila, Philippines – Para mapatunayan, subukan.

Ganito nga ang ginawa ni Katrina Halili to find out for herself kung totoo nga ang ipinagmamalaki ni DTI Secretary Cristina Roque na kakasya ang P500 Noche Buena budget sa isang karaniwang pamilyang Pilipino.

Mismong ang Kapuso actress ang namili ng mga ingredients sa sinasabi ni Roque na puwede nang maghanda ng macaroni salad, spaghetti at ham.

Sa loob-loob daw ni Katrina, pipilitin niyang pagkasyahin ang P500 if only to prove Roque right.

Macaroni salad ang una munang naisip ng aktres whose ingredients she bought first from a grocery.

Ilan dito’y ang mismong pásta, sibuyas, cheese at iba pa.

Done with her grocery, it was time to pay at the cashier’s counter.

Kinompyut lahat ng mga ipinamili niya, pero naloka nang kuwentahin na ito.

Umabot kasi sa P619 ang total ng napamili niya–sobra sa limit lang niyang P500.

“Talo ako!” nagmamaktol na himutok ni Katrina when she went over the budget.

Pero hindi raw siya susuko.

Next time daw ay mamimili uli siya with the same limited budget para makumbinsing may point ang Kalihim ng DTI.

Bokya na, umaapela pa! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here