Home ENTERTAINMENT Ellen, inokray sa mga ‘drama’ sa buhay!

Ellen, inokray sa mga ‘drama’ sa buhay!

302
0

Manila, Philippines – Kung dadaanin daw sa kampihan ang isyung sangkot ang mag-asawang Ellen Adarna at Derek Ramsay ay tila mas makakakuha pa ng maraming sympathizer ang aktor.

Sa ngayon, tila may “imaginary” na Team Ellen at Team Derek.

Pero kung inaasahang mas kinakampihan ng mga kababaihan ang retired actress, surprisingly, the answer is no.

Marami rin daw mga babaeng pumapanig kay Derek, at dahil dito’y biktima si Ellen ng “massive” na pang-ookray mula sa kanyang mga kabaro.

Ang basehan ng mga kampi kay Derek ay dahil na rin daw sa mga kadramahan ni Ellen sa buhay.

Partikular ay ang mga ipinupuntos niya laban sa mister tulad ng infidelity, verbal abuse at iba pa.

Tulad na lang ng isang netizen na nag-post ng: “Akala ba namin, eh, nag-retire na siya sa showbiz…eh, kung tutuusin, ‘yung mga drama niya sa buhay only indicate that she wants to be in the entertainment news!”

Natural na hindi raw lulubayan ng showbiz si Ellen lalo’t the issues she generates to discredit Derek make for interesting news for the public to feast on and talk about.

Sang-ayon naman ang isa pang netizen na nag-suggest na “lubus-lubusin” na daw ni Ellen ang mga drama niya.

“Panindigan na niya ang galit niya sa asawa niya. Sa halip na kung anu-ano ang mga rebelasyon niya, she might as well get to the bottom of it!” sey nito.

Ang mismong tinutumbok ng netizen ay gumawa na ng ligal na hakbang si Ellen.

“Ang pinakamabuti niyang gawin–yaman din lang na marami siyang kiyaw-kiyaw, mag-file siya ng annulment ng kasal nila…eh, ‘di tapos ang usapan!”

Susog ng isang netizen: “Ang dami-dami pa niyang sinasabi…hindi na lang mag-file ng petition for annulment kung magpa-file…hmp!”

Hmmm, come to think of it… Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here