Home OPINION PAG-IBIG FUND KINILALANG “BEST SUSTAINABILITY INITIATIVES” SA 2025 GCG AWARDS

PAG-IBIG FUND KINILALANG “BEST SUSTAINABILITY INITIATIVES” SA 2025 GCG AWARDS

333
0

MASAYANG ipinaalam ng Home Development Mutual Fund o mas higit nakilala bilang Pag-IBIG Fund na nakamit nito ang “Best Sustainability Initiatives Award” para sa 2025, bilang pagkilala sa kanilang masigasig na pagsasama ng sustainability va­lues at responsableng pamamahala sa lahat ng programa, serbisyo, at internal operations ng ahensya.

Ayon kay Department of Hu­man Settlements and Urban Development Secretary at Pag-IBIG Fund Board Chairperson Jose Ra­mon Aliling, hindi lamang ito tropeo kundi isang patunay sa walang-sawang pagsusumi­kap ng ahensya na palakasin ang responsableng pamamahala, trans­parency, at makabuluhang serbisyo publiko.

Sa 2025 Governance Commission for GOCCs (GCG) Awards Ceremony na ginanap sa Para­ñaque City noong Disyembre 1, 2025, ibinahagi ni Secretary Aliling ang taos-pusong pasasa­lamat ng ahensya.

May saya at buong pagpapa­halaga niyang sinabi na lubos si­lang nagpapasalamat ni chief executive officer Marilene Acos­ta sa parangal, dahil patunay uma­no ito na patuloy na isina­sabuhay ng Pag-IBIG Fund ang sustainability sa bawat aspekto ng kanilang trabaho na mula sa pamamahala ng pondo, hanggang sa pangangalaga sa kani­lang mga miyembro, at maging sa pagsuporta sa mga layunin ng pambansang kaunlaran.

Dagdag pa niya, ang pag­ki­lalang ito ay sumasalamin sa progreso ng Pag-IBIG Fund sa ilalim ng administrasyon ni Pre­sident Ferdinand “BBM” Marcos, Jr., at nagpapatibay sa ka­nilang papel sa pagsusulong ng accountability, operational effi­ciency, at sustainable nation-buil­ding.

Mahalaga at mabigat ang parangal na natanggap ng Pag-IBIG Fund, tumutukoy ito sa lu­malaking papel ng sustainability sa pampublikong sektor.

Kapag may sustainability framework ang isang ahensya, mas ma­hu­say ang pag-budget at mas transparent ang paggamit ng pondo. Bumababa ang panganib ng mismanagement at mas napalalawak ang mga serbisyong tunay na may epekto sa mamamayan.

Kasama sa sustainability ang digitalization, energy efficiency, paperless transactions, at waste reduction. Mas mabilis na serbisyo, mas kaunting gastos, at mas magandang karanasan para sa publiko.

Sa harap ng tumitinding epek­to ng climate change, mahalaga ang mga institusyong tu­mutulong magpatayo ng climate-resilient housing, gumagawa ng green financing, at nagpapatupad ng eco-friendly policies.

Kapag malinaw na may pa­nanagutan, transparency, at ma­lasakit sa kapaligiran at mamamayan ang isang ahensiya, mas tumataas ang kumpiyansa ng publiko.

Ito mismo ang layong tinutugunan ng GCG Awards.

Maraming international fra­me­works katulad ng UN Sustainable Development Goals (SDGs) ang naghihikayat ng en­vironmental, social, at governance (ESG) initiatives. Ang mga ahensyang sumusunod dito ay mas nakikilala at mas nagiging competitive.

Ganito ang ginagawang hakbang ng Pag-IBIG Fund.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here