MANILA, Philippines – Hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Kongreso nitong Martes na bigyang-priyoridad ang pagpasa ng apat na mahahalagang reporma: anti-political dynasty bill, Independent People’s Commission Act, pagbabago sa party-list system, at Citizens Access and Disclosure of Expenditures for National Accountability (CADENA) Act.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, inutusan ni Marcos ang Senado at House of Representatives na “take a closer look” at tiyaking maipasa ang mga panukalang batas “as soon as possible.”
Ipinagbabawal ng anti-dynasty bill ang pagtakbo o paghawak ng opisina ng sinumang may kamag-anak hanggang ika-apat na antas na incumbent official.
Layunin ng Independent People’s Commission Act na palakasin ang accountability at transparency sa lahat ng sektor ng pamahalaan, habang ang Party-List Reform Act ay naglalayong tiyakin ang tunay na representasyon ng marginalized sa pamamagitan ng mas mahigpit na screening sa mga nominees.
Ang CADENA Act naman ay nag-uutos ng buong pagbubunyag ng paggasta ng pamahalaan sa pamamagitan ng secure digital public ledger.
Sinabi ni Executive Secretary Ralph Recto na nais din ni Marcos na makipag-ugnayan ang Kongreso sa mga pangunahing stakeholders upang masiguro na komprehensibo at maayos ang pagkakagawa ng mga panukalang batas.
“The presidential request for congressional action on the four bills goes beyond their immediate passage, calling instead for wide consultation with all sectors so the best ideas can be incorporated into these reform measures,” aniya.
“Broad consultations result in better laws. It is only by canvassing views and opinions from as many sources as possible that the nation is guaranteed a law that reflects its interests.” RNT