MANILA, Philippines – Tumaas sa 2.54 milyon ang bilang ng mga walang trabaho sa Pilipinas noong Oktubre 2025, mula sa 1.96 milyon noong Setyembre, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA). Mas mataas din ito kaysa sa 1.97 milyon noong Oktubre 2024.
Ang antas ng kawalan ng trabaho ay umabot sa 5% ng 51.16 milyong aktibong kalahok sa labor force, mula sa 3.8% noong Setyembre 2025.
Sa madaling sabi, 50 sa bawat 1,000 Pilipino sa labor force ang walang trabaho noong Oktubre. Santi Celario