Home HOME BANNER STORY Pinoy na tambay dumami sa 2.54 milyon nitong Oktubre – PSA

Pinoy na tambay dumami sa 2.54 milyon nitong Oktubre – PSA

301
0

MANILA, Philippines – Tumaas sa 2.54 milyon ang bilang ng mga walang trabaho sa Pilipinas noong Oktubre 2025, mula sa 1.96 milyon noong Setyembre, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA). Mas mataas din ito kaysa sa 1.97 milyon noong Oktubre 2024.

Ang antas ng kawalan ng trabaho ay umabot sa 5% ng 51.16 milyong aktibong kalahok sa labor force, mula sa 3.8% noong Setyembre 2025.

Sa madaling sabi, 50 sa bawat 1,000 Pilipino sa labor force ang walang trabaho noong Oktubre. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here