MANILA, Philippines – Dedo ang isang 37-anyos na babae, empleyado ng BPO, na natagpuang may 12 na saksak sa leeg sa damuhang bahagi ng Barangay Indahag, Cagayan de Oro City noong Sabado, Disyembre 13.
Lubos namang emosyunal ang asawa ng biktima nang datnan ang malamig na bangkay sa damuhan, ayon sa pulisya.
Kalaunan, inamin umano ng asawa ng biktima sa harap ng kanyang abogado na siya umano ang pumatay sa kanyang asawa, ayon sa PRO-10 Spokesperson Major Joann Navarro.
Ayon sa pulisya, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa noong Biyernes bago ang insidente, at may naitalang mga nakaraang alitan na nauwi sa pisikal na komprontasyon.
Posibleng selos ang motibo, at iniimbestigahan din kung nasa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot ang suspect nang gawin ang krimen.