Home OPINION MGA IKUKULONG PANGKONSWELO-DE-BOBO

MGA IKUKULONG PANGKONSWELO-DE-BOBO

259
0

MAY mga hinihintay ang mga mamamayan na makakasuhan at makukulong kaugnay ng anomalya sa mahigit P1 trilyong flood control projects sa nakalipas na tatlong taon.

Lumilitaw sa mga usapan lalo na sa mga vendor, barbero, tsuper, obrero, magsasaka, mangingisda, senior citizen at iba pa na maliliit pa rin ang mga inihahayag na makukulong.

Mga ordinaryong kongresman, mga opisyal ng Department of Public Works and Highways, kontraktor at iba pa lamang.

Ang malalaki, gaya ng pinakamatataas na opisyal ng Kamara, ilang senador, miyembro ng gabinete, at ilang taga-Palasyo mismo ang mga hinihintay nilang makakasuhan at makukulong.

Batay ito sa mga pahayag ng iba’t ibang nakaaalam sa mga kikbakan, kasama ang mga testigong nagsalita sa Senate Blue Ribbon Committee gaya ni Marine Sergeant Orly Guteza, ni dating Ako Bikol Partylist Representative Zaldy Co, dating Justice Secretary Bebot Bello III, Navotas Congressman Toby Tiangco, Vice President Sara Duterte at iba pa.

Hangga’t wala ni isa sa mga nasa tuktok ng mga kikbakan ang maiimbestigahan, makakasuhan at makukulong, hindi matatanggap at hindi mararamdaman ang katarungan at kapayapaan sa loob ng mga vendor, barbero, tsuper, obrero, magsasaka, mangingisda, senior citizen at iba pa na maliliit na mamamayan.

Ito kasing maliliit, mga brad, ang higit na biktima ng mga anomalya na nagbubunga ng kanilang kamatayan at paghihirap na dulot ng mga baha at landslide na nalalabanan o napipigilan sana kung walang mga ghost at marurupok na anti-flood projects na pinagkikikbakan, lalo na ng mga pambansang opisyal.

Batay sa nagaganap, pangkonswelo-de-bobo ang mga anunsyo, maging ng Malakanyang at Office of the Ombudsman ukol sa mga nakasuhan na, makakasuhan pa, mahuhuli sa warrant of arrest at madedetine.

Kahit ipakita pang ipapasok ang mga naaresto o nagsurender sa mga kulungan na sadyang ginawa ng pamahalaan sa Quezon City at iba pa, mananatiling sinlamig ng yelo ang pagtanggap sa mga pangyayaring ganito.

Pustahan pa tayo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here