Home HOME BANNER STORY Taas-presyo ng LPG, ipinatupad ngayong unang araw ng 2026HOME BANNER STORYNATIONWIDETOP STORIES Taas-presyo ng LPG, ipinatupad ngayong unang araw ng 2026January 1, 2026 15:143420 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Nagpatupad ng dagdag-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) ang mga kumpanya ng langis madaling araw ng Huwebes, Enero 1.Ayon sa advisory ng Petron Corporation noong Miyerkules ng gabi, tumaas ng P2.18 kada kilo ang presyo ng LPG epektibo 12:01 a.m. ng Huwebes.“This reflects the international contract price of LPG for the month of January,” pahayag ng Petron.Nag-anunsyo rin ang Solane ng kaparehong dagdag-presyo, na ipinatupad alas-6 ng umaga nitong Huwebes, ayon sa advisory nito noong Disyembre 30.Ang P2.18 kada kilo na pagtaas ay katumbas ng P23.98 dagdag-presyo sa karaniwang 11-kilogram LPG tank para sa mga kabahayan. RNT/MND