Home NATIONWIDE Rider utas sa suwag ng truck

Rider utas sa suwag ng truck

316
0

ILOCOS SUR-Hindi nagawang makaligtas sa kalawit ni Kamatayan ang isang 25-anyos na lalaki matapos bumangga sa isang truck ang minamaneho nitong motorsiklo sa national highway sa Brgy. Dan-ar, Santiago, Ilocos Sur kaninang 2:30 ng madaling-araw.

Ayon sa pulisya, ang driver ng Yamaha Mio motorcycle ay residente ng naturang bayan samantalang ang 52-anyos na driver ng SUZU truck (Dropside) ay residente naman ng Narvacan, Ilocos Sur.

Base sa salaysay ng isang witness na nakausap ng mga awtoridad, ang truck ay bumibiyahe papuntang timog samantalang papunta naman ng opposite direction ang motorsiklo.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, nasakop umano ng motorsiklo ang lane ng truck na nagresulta sa banggaan ng dalawang sasakyan.

Dahil dito, nagtamo ng head at body injuries ang driver ng motorsiklo na agad na isinugod sa Candon General Hospital sa Candon City, Ilocos Sur.

Gayunman, ang driver ng motorsiklo ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.

Hindi naman nasaktan sa naturang insidente ang driver ng truck. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here