Home NATIONWIDE Kalat, basura sa Traslacion, ikinadismaya ng EcoWaste Coalition

Kalat, basura sa Traslacion, ikinadismaya ng EcoWaste Coalition

207
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pagkabahala ang EcoWaste Coalition sa malawakang littering sa Rizal Park at Quiapo sa Maynila habang milyon-milyong deboto ang dumalo sa Traslacion sa kapistahan ng Jesus Nazareno.

Ayon sa grupo, puno ng basura ang mga kalsada at pampublikong lugar matapos ang 30-oras na prusisyon mula Quirino Grandstand papuntang Quiapo Church, kabilang ang plastic packaging, food waste, cigarette butts, naiwang tsinelas, at iba pang pinaghalong basura.

Naiulat din ang maling paggamit ng empty plastic bottles para sa ihi, na iniwan sa paligid ng tambak ng basura at punong basurahan.

Ani Ochie Tolentino, Zero Waste Campaigner ng EcoWaste, “Our repeated pleas for a waste-free conduct of Traslacion have gone unheeded… Such a blatant disregard for our environment is unacceptable.”

Sa Quiapo, natagpuan din ang basura sa kalsada at kanal, gaya ng single-use plastic bottles, food packaging, bamboo skewers, at tira-tirang pagkain.

Pinuri ng EcoWaste ang ilang positibong hakbang tulad ng mas kaunting plastic decorations, water dispensers, banana-leaf packaging, at agarang cleanup operations ng sanitation workers.

Binigyang-diin ng grupo ang kahalagahan ng “clean as you go” at ang pahayag: “kalakip ng debosyon ang malinis na Traslacion.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here