Home NATIONWIDE Pinakamahabang Traslacion, 4 nasawi; simbahang Katoliko, humiling ng panalangin

Pinakamahabang Traslacion, 4 nasawi; simbahang Katoliko, humiling ng panalangin

205
0

MANILA, Philippines – Umabot sa apat ang bilang ng naitalang nasawi sa kasagsagan ng Traslacion sa Kapistahan ng Poong Jesus Nazareno nitong Enero 9 at 10, ayon sa kumpirmasyon ng pamunuan ng Quiapo Church.

Ayon kay Fr. Robert Arellano, spokesperson ng Nazareno 2026, kabilang sa mga nasawi ay tatlong deboto na pawang mga kalalakihan.

Sa huling press conference ng pamunuan ng Quiapo nitong Sabado, sinabi ni Fr. Arellano na nasa edad 30 hanggang 40 na taong gulang ang mga nasawi sa Traslacion.

Isa pa sa nasawi ay ang isang photojournalist na inatake habang nagkokober sa Quirino Grandstand.

“We have a total of four casualties. At this point in time we are still waiting for the medical abstract so that we also have the information about them,” sabi ni Fr. Arellano.

Hiniling naman ni Fr. Robert Arellano sa mga deboto na ipanalangin ang kanilang kaluluwa.

Aniya, “It is really sad on our part that we have these kinds of incidents.”

Itinuturing na pinakamatagal at may pinakamaraming bilang ng tao ang Traslacion 2025 sa buong kasaysayan.

Umalis ang prusisyon sa Quirino Grandstand noong Enero 9 bandang alas 4 ng umaga at nakabalik lamang sa kanyang Dambana ang Poong Jesus Nazareno ganap nang alas 10:50 ng umaga nitong Sabado o pumapatak na umabot sa halos 31 oras.

Sa tala ng Manila Public Information Office, pinakamalaking oras ng Traslacion noong 2024 tatlong taon matapos ang pandemya na inabot lamang ng 15 oras.

Umabot naman ng 21 oras noong 2025 pagkatapos ng dekada.

Ngayong 2026, pumalo sa 9,640,290 ang final crowd count base sa Accumulated Grandstand Total Drone Crowd estimate ng Innovation Integrated GIS at data Hub ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMMO), ayon sa Manila LGU Incident Command Post Public Information Officer E-Jhay Clamor Talagang.

Sa taunang Traslacion hindi maiwasan na may masaktan kaya naman nangako ang pamunuan ng Simbahan ng Quiapo na tutulong sa pamilya ng mga nasawi gayundin ang Manila LGU ay magbibigay din ng karampatang assistance sa mga deboto na nagbuwis ng kanilang buhay dahil sa kanilang debosyon sa Poong Jesus Nazareno. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here