Home OPINION ‘AMNESTIYA AT WAIVER SA PHILHEALTH PREMIUM AT INTEREST’ PARA SA MGA WALANG...

‘AMNESTIYA AT WAIVER SA PHILHEALTH PREMIUM AT INTEREST’ PARA SA MGA WALANG TRABAHO, FIXED INCOME

231
0

MISMONG si President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr., ang nagbigay ng direktiba sa Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) na magpatupad ng amnestiya at one-time waiver sa mga penalty interest sa premiums na hindi nabayaran ng mga employer para sa kanilang mga empleyado at sa mga miyembrong nabibilang sa kategoryang self-employed na karamihan ay nasa informal sector at freelancers.

May dalawang klase ng mi­yembro ang PHILHEALTH, ang mga direct members na nagba­bayad ng buwanang kontri­bus­yon na 5 porsyento ng idi­neklarang basic salary.

Para sa kapwa nasa public at private sector, ito ay pinaghahatian ng employer. Ang pamahalaan ang siyang nagbabayad ng 50 pors­yento ng premium ng nasa 2.098 million na mga career service employee at non- career employee.

Hindi naman obligado ang pa­mahalaan na sagutin ang kontribusyon ng mga job orders at contract of service na umaabot sa 832,812 ayon sa Department of Budget and Management.

Sa pinakahuling datos mula sa Department of Labor and Employment, nasa 51.32 milyon ang nabibilang sa lakas paggawa ng bansa. Sa bilang na ito, nasa 18.4 milyon ang nasa informal sector katulad ng mga nagtitinda sa palengke, may mga maliliit na negosyo sa bahay katulad ng pananahi, pagtitinda ng ulam, at iba, at ang freelancers na karamihan ay nasa arts and entertainment. Sila ang mga kinikilalang self-employed, walang mga employer, at hindi fixed ang kinikita.

Pero mayroon ding 2.25 mil­yon na walang trabaho sa bansa kabilang dito ang mga nagtapos pa lamang sa kolehiyo at senior high school.
Ang mga indirect members naman ay iyong ang pamahalaan ang sumasagot ng kanilang kontribusyon sa pamamagitan ng subsidiya, na nasa 36.877 mil­yon noong 2024. Ito ay binubuo ng mga indigent members base sa Listahan ng Department of Social Welfare and Development at mga senior citizens.

May mga nakausap ang in­yong Agarang Serbisyo Lady na magmula nang tumama ang COVID-19 pandemic ay hindi na pinabalik sa kanilang mga dating trabaho at may mga self-employed din na humina ang kinikita.

Para sa kanila, wala rin si­lang mapapakinabangan dahil in­teres lamang ang inalis sa kontribusyon, at nanatiling may pagkakautang sa PHILHEALTH.

Paano nga naman daw nila mababayaran ang buwanang kontribusyon kung ang kanilang kinikita ay kulang pa sa pambayad ng renta ng bahay, tubig, kuryente, at pagkain sa araw-araw.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here