Home NATIONWIDE Listahan ng proyekto na iniuugnay kay Rep. Gardiola, pinakukumpirma ni Leviste

Listahan ng proyekto na iniuugnay kay Rep. Gardiola, pinakukumpirma ni Leviste

232
0

MANILA, Philippines — Humiling si Batangas 1st district Rep. Leandro Legarda Leviste sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na kumpirmahin ang listahan ng umano’y ₱22 bilyong proyekto na iniuugnay sa Construction Workers Solidarity (CWS) Party-list Rep. Edwin Gardiola.

Ayon kay Leviste, ang dokumento ay ipinadala sa kanya ng isang “whistleblower” mula sa ahensya.

Sa isang press conference noong Miyerkules, inilarawan ni Leviste ang listahan bilang “real” at “credible,” bagama’t hindi pa ito opisyal na nakumpirma. Sinabi niyang nanggaling ito sa isang rank-and-file staff member na hindi niya personal na nakilala.

“Take it for what it is,” ani Leviste.

Sa isang pahayag, sinabi ni Leviste na nakalista sa dokumento ang mga proyektong umano’y isinama sa budget sa pamamagitan ng National Expenditure Program (NEP), unprogrammed appropriations (UA), at Bicam noong 2023, 2024 at 2025. Ayon sa kanya, marami sa mga proyekto ay naitalaga sa mga kumpanyang pag-aari ng pamilya Gardiola base sa mga rekord ng DPWH.

Umaasa si Leviste na makapagbibigay ng kumpirmasyon ang DPWH kung mayroon itong rekord sa mga proponent ng NEP, UA at Bicam projects. Binanggit niya na ang ilang entry ay tumutugma sa NEP file ni DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral at sa UA list.

“We checked this against our other files and DPWH’s transparency portal and if I’m not mistaken, almost all of them are real projects,” ani Leviste.

Aniya, ang kanyang naunang post tungkol sa mga proyekto ni Gardiola noong nakaraang linggo ay tugma sa listahang kanyang natanggap. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here