Home OPINION PCG ‘NABALOT’ NA SA PULITIKA

PCG ‘NABALOT’ NA SA PULITIKA

232
0

HINDI na tayo nagtataka kung “dedma” lang sa mga “sablay” at “paandar” nitong si Philippine Coastguard spokesperson Commodore Jay Tarriela ang liderato ng ahensya. Kahit patuloy ang pagsira niya sa relasyon natin sa China at isa nang “bagahe” sa gobyerno, ‘andyan pa rin siya.

Noong Huwebes, lumubog malapit sa Scarborough Shoal (Bajo de Masinloc) ang ‘cargo vessel’ na ‘MV Devon Bay’ na pulos Pilipino ang 21 nitong tripulante. Papunta ng China ang barko nang mangyari ang insidente.

Sa press release ng PCG, inamin nitong nanggaling ang impormasyon sa Hongkong Maritime Rescue Coordination Center. Sinabi pa ng PCG na 10 sa mga tripulante ang ‘na-resuce’ ng isang “napadaan” na barko ng Chinese Coast Guard.

Ayon pa sa PCG, ang lokasyon ng barko ay “141 nautical miles west of Sabangan Point, Agno Bay, Pangasinan.”

Kung ikukumpara naman sa ulat ng CCG at Chinese Embassy, “mapanglinlang” ang bersyon ng PCG.

Ang totoo kasi, UNA pang dumating at nagsagawa ng rescue operation ang CCG at hindi 10, bagkus, 13, ang kanilang agarang nasagip.

At hindi lang “napadaan” ang CCG ayon sa bersyon ng PCG. Ang totoo, agaran itong rumesponde nang matanggap ang ‘distress signal’ mula naman sa Maritime Search and Rescue Center sa Hainan Province.

Kumbaga, inililigtas na ng CCG ang ating mga kababayan bago pa man sumipot sa eksena ang PCG.

Sa halip din na magpasalamat sa kanilang mga ‘Chinese counterpart,’ idiniin pa ng PCG na ang lugar ng insidente ay bahagi ng ating ‘exclusive economic zone’ o EEZ na bawal umano ang ‘law enforcement patrol’ ng mga dayuhang barko, ibig sabihin, ng China (pero kung mga barko, kahit pandigma, ng Amerikno, Japan, Australia, etc. pwede, tama ba?).

Sa ganitong estilo nang “pagbabalita” ngayon ng ating Coast Guard na palaging may kahalong pamumulitika at panlilinlang, dapat pa bang magtaka kung bakit kunsintidor si PCG Admiral Ronnie Gil Gavan, sa mga katulad ni Tarriela?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here