Home HOME BANNER STORY Pagnanakaw ng ilang fire volunteer sa nasunog na supermarket sa Kyusi, iniimbestigahan...

Pagnanakaw ng ilang fire volunteer sa nasunog na supermarket sa Kyusi, iniimbestigahan ng BFP

232
0

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang insidente kung saan ilang fire volunteers ang umano’y nagnakaw ng alak mula sa nasunog na supermarket sa Barangay Pasong Putik, Quezon City nitong Miyerkules ng umaga.

Ayon kay BFP spokesperson Fire Supt. Anthony Arroyo, walang casualties sa sunog na naitala mula 4:39 a.m. hanggang 10:48 a.m., at 30 volunteer firefighter groups ang rumesponde.

Ngayon, tinutukoy ng BFP Directorate for Intelligence and Investigation kung sino ang mga sangkot sa pangyayari.

Maaari ring pagsasampahan ng kaso ang mga nasangkot at ire-revoke ang certificates of competency bilang fire brigade members kung mapatunayang nagkasala. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here