Home OPINION KAYA BAGSAK SA PISA

KAYA BAGSAK SA PISA

248
0

SA mga araw na ito, may namatay na taong dinarayo ng mga guro sa kinder, elementarya at high school para makilamay.

Naging teacher ng namatay ang ilang guro at may mga guro ring kapatid nito na nakatalaga sa ibang mga bayan.

At naging mainit na talakayan ang kahinaan ng mga batang mag-aaral ngayon at nakikita ito hindi lang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa sa pamamagitan ng Programme for International Student Assessment o PISA.

Batay sa nakaraang mga sarbey ng PISA na isinasagawa ng Organization for Economic Cooperation and Development na binubuo ng nasa 79 bansa, kulelat ang ating mga mag-aaral at hindi makaangat-angat sa nakalipas na ilang taon.

MASAHOL PA SA SUNTOK NI PACQUIAO

Sa interbyu mismo ng mga guro sa mga estudyanteng 15 anyos na nakasali sa mga pagsusuri o sarbey ng PISA, sinasabi umano ng mga bata na higit pa sa mga suntok ni boxing champ Manny Pacquiao ang mga tanong.

Hindi umano malaman ng mga estudyante ang mga pinanggagalingan ng mga tanong o maintindihan ang mga ipinababasa sa kanila.

Katumbas ang mga ito ng mga reklamo ng lahat ng natalo ni Pacquiao sa boksing.

Kaya kapag sumasagot sila o inilalabas nila ang kanilang pagkaintindi o nalalaman sa mga inihaharap sa kanila na mga bagay-bagay, palpak sila at knockout ang Pinas.

Kahiyaan nang sabihin na karaniwang nanggagaling sa mga paligid nating bansa ang mga nangunguna gaya ng Singapore, China, Japan, South Korea, Hong Kong at Malaysia.

Anyare ba talaga, kahit pa todo-handa ang mga coach at trainor mula sa Department of Education sa mga estudyante sa pakikihamok sa PISA?

PINAKA MULA SA PABLIK ISKUL

Pinakabiktima ng bagsak na marka ang mga galing sa pablik iskul at bibihira ang mga saksespul gaya ng sa Makati City.

Bukod sa tila misteryoso umanong mga usapin sa mga eksaminasyon, purong English pa ang gamit na tila kaaway ng maraming estudyante at sa Taglish o Tagalog-English kumakapit.

At kitang-kita ito sa pahayag ng higit na nakararami na dinudugo sila sa ilong sa “speaking dollars.”

IBINUKAS NA PROBLEMA

Kaugnay ng hirap na kalagayan ng mga bata, ibinukas ng maraming titser ang kinahaharap nilang mga problema.

Una, pagdating umano ng mga bata sa high school mula sa elementarya, nasa kalahati umano ang hindi marunong magbasa at lalong hindi marunong umintindi sa kanilang binabasa, lalo na kung Ingles ang gamit sa binabasa nila.

Ikalawa, napansing masyadong advance umano ang mga laman ng usapan sa PISA, kaya paano maintindihan at maipaliwanag makaraan ng mga estudyante ang mga ito na Ingles pa ang gamit?

Ikatlo, puno umano ang mga guro ng mga gawaing hindi pangguro at napapagod at napupuyat sila sa kagagawa rito at kumakain ng mga oras nila para mapaunlad ang mga sarili sa karunungan na kanilang maibabahagi sana sa mga bata.

Ika-apat, maraming guro umano sa elementarya ang napapraning sa kawalan umano nila ng kapangyarihang kumontrol sa mga pasaway na bata dahil sa pagpapairal ng human rights at ang pagsaway sa mga pasaway, nakauubos ng oras nila sa pagtuturo.

Sey niyo, mga Bro?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here