Home NATIONWIDE Cong. Valeriano at Cong. Barzaga, no show sa ipinatawag na mediation ng...

Cong. Valeriano at Cong. Barzaga, no show sa ipinatawag na mediation ng DOJ

174
0

MANILA, Philippines – “No show” sa ipinatawag na mediation meeting ng Department of Justice (DOJ) sa Office of the City Prosecutors sa Maynila sina Manila Second District Rep. Roland Valeriano at Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga.

Tanging mga abogado lamang ng dalawang mambabatas ang dumalo kaugnay sa reklamong cyberlibel na inihain ni Valeriano laban kay Barzaga.

Sa social media post ni Barzaga, pinaratangan ang National Unity Party na kinabibilangan ni Valeriano na tumanggap ng pera mula sa gaming tycoon na si Enrique Razon.

Layon ng mediation na tingnan muna kung mareresolba ang usapin ng dalawang panig bago pa ito mauwi sa tuluyang pagsasampa ng kaso sa korte.

Sinabi ni Atty. Denison De Silva, abogado ni Valeriano na kasama sa maaaring ialok ay public apology o danyos kapalit ng pag-urong ng reklamo.

Kung walang mapagkasunduan ay hahantong ito sa preliminary investigation para alamin kung dapat bang magsampa ng kaso sa hukuman.

Sa panig ni Barzaga, dumiretso sa tanggapan ng Manila OCP ang kanyang abogado para sa mediation.

Hindi na nagbigay pa ng karagdagang impormasyon at detalye ang abogado ni Barzaga dahil sa isyu ng confidentiality.

Maging ang dahilan kung bakit hindi sumipot si Barzaga ay hindi rin sinagot ng kanyang abogado. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here