Home METRO Binatilyo, utas sa saksak ng kapwa-binatilyo sa MaynilaMETROTOP STORIES Binatilyo, utas sa saksak ng kapwa-binatilyo sa MaynilaFebruary 10, 2026 13:021840 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Binawian ng buhay ang isang 15-anyos na lalaki matapos saksakin ng kapwa menor de edad, Lunes ng gabi sa Port Area, Maynila.Naisugod pa sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktima na isang estudyante ngunit hindi na umabot pang buhay.Sa imbestigasyon ng pulisya nakasuntukan muna ng biktima ang suspek alas-7 ng gabi sa Block-5 Extension ng Baseco Compound.Sa gitna ng alitan, bumunot umano ng Swiss knife ang suspek at sinaksak nang dalawang beses ang biktima sa kaliwang bahagi ng katawan bago tumakas.Agad na nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek bandang alas-8 ng gabi.Narekober din ang patalim na ginamit sa krimen.Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at isinailalim sa proseso para sa mga batang nasangkot sa krimen.Hawak na ng MPD Homicide Section ang imbestigasyon sa insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden