Home OPINION PAG-IBIG FUND, NAKAPAGTALA NG HISTORIC P160.41B SAVINGS NITONG 2025!

PAG-IBIG FUND, NAKAPAGTALA NG HISTORIC P160.41B SAVINGS NITONG 2025!

179
0

GOOD News! Umabot na sa record-high na P160.41 billion ang kabuuang savings ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund nga­yong 2025, 21% na pagtalon mula sa nakaraang taon.

Ayon sa ahensya, ang nasabing milestone ay bunsod ng patuloy na paglago ng voluntary savings ng mga miyembro, partikular na sa ilalim ng Modified Pag-IBIG II (MP2) Savings Prog­ram.

Tiwala ng mga Miyembro sa Pag-IBIG Fund

Binigyang-diin ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Ramon P. Aliling, na siya ring Tagapangulo ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees, na ang mataas na koleksyon ay sumasalamin sa tiwala ng publiko sa ahensya.

“Dahil sa mas mataas na koleksyon na P27.61 bilyon kum­para noong nakaraang taon, nananatiling matatag ang pinansyal na posisyon ng Pag-IBIG Fund. Nagbibigay-daan ito upang pa­tuloy kaming makapag-alok ng mababang interest rates at ma­suportahan ang Expanded Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program ni Pa­ngulong Ferdinand R. Marcos Jr.,” ani Aliling.
Voluntary Savings, Nadaig ang Mandatory Contributions

Sa kabuuang halaga, ang mandatory monthly contribu­tions ay nagkakahalaga ng P66.80 bilyon.
Gayunpaman, mas malaking bahagi ng koleksyon ang nagmula sa voluntary savings o ang dagdag na ipon ng mga miyembro, lumampas sa kinakaila­ngang kon­tribusyon.

Ayon kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta, umabot sa P93.60 bil­yon ang voluntary savings, o ka­tumbas ng 58% ng kabuuang koleksyon.

“Ipinapakita nito na na­na­natiling buhay ang kultura ng pag-iipon sa mga Pilipino,” pahayag ni Acosta. Dagdag pa niya, umabot sa P10.09 bilyon ang naitalang ‘additional monthly con­tributions’ mula sa mga mi­yembrong piniling magtabi ng higit sa mandatory na P200 ka­da buwan.
Ang MP2 Savings ang itinuturong pangunahing dahilan ng paglago, kung saan nakakolekta ang ahensya ng P83.51 bilyon ngayong taon.

Ibinahagi rin ni Acosta na marami sa mga MP2 savers, la­lo na ang mga retirado, ang tinatawag na ang kanilang sarili bilang mga “LODI” o “Living on Dividends.”

Ito ay dahil ginagamit na nila ang taunang kita o dividends mula sa kanilang ipon para sa ka­nilang pang-araw-araw na gastusin.
“Makakaasa ang aming mga miyembro na pangangalagaan namin nang maayos ang kani­lang mga ipon at magsisikap kaming magbigay ng pinakama­taas na posibleng return. Iyan ang Lingkod Pag-IBIG,” pagtatapos ni Acosta.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here