MANILA, Philippines — Naghain ng petition for bail si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. kaugnay ng kanyang malversation case na may kinalaman sa umano’y P92.8-milyong ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
Kinumpirma ang paghahain ng petisyon ni Sandiganbayan 3rd Division Clerk of Court Atty. Dennis Pulma, ayon sa ulat ng GMA Integrated News.
Nauna nang tumanggi si Revilla na maghain ng plea sa kanyang arraignment, kaya nagpasok ng not guilty plea ang Sandiganbayan Third Division para sa kanya. Nauna na ring nagpasok ng not guilty plea ang kanyang mga co-accused.
Nagpasok din ang Sandiganbayan Fourth Division ng not guilty plea para kay Revilla sa kanyang hiwalay na graft case.
Kasalukuyang nakadetine si Revilla sa New Quezon City Jail sa Payatas. RNT