MANILA, Philippines – Walang nanalo sa mga jackpot prize ng major lottery draws ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Pebrero 24, 2026.
Nanatiling walang nakakuha ng P75,000,000.00 jackpot ng Ultra Lotto 6/58. Ang mga lumabas na numero ay 47-26-30-41-27-49.
Wala ring nanalo sa Superlotto 6/49 na may jackpot na P68,974,817.33. Ang winning combination ay 20-06-42-13-47-28.
Samantala, walang nakahula nang tama sa Lotto 6/42 numbers na 24-12-04-35-41-15, na may katumbas na jackpot na P23,814,718.62. RNT