MANILA, Philippines – Sinabi ng Malakanyang na malaya ang mga mambabatas na magpasya sa kung ano ang kanilang posisyon sa impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.
Tugon ito ng Malakanyang sa ulat na umatras ang National Unity Party (NUP), itinuturing na second-largest political bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, hindi boboto pabor sa impeachment maliban na lamang kung may lalabas na bagong ebidensiya.
Binigyang diin ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na hindi makikialam ang administrasyon sa desisyon ng mga mambabatas.
“Decision po nila iyan. May kalayaan po silang mag-decide, hindi naman po sila sinasaklawan ng ating Pangulo at ng administrasyon na ito,” ang sinabi ni Castro.
Aniya pa, anuman ang posisyon ng partido ay malamang na nakabatay sa kung ano ang makabubuti sa mga miyembro at organisasyon nito.
At nang tanungin kung igigiit ang bilang o substantial numbers na mayroon ang Pangulo sa Kongreso, ang tugon ni Castro ay “Huwag nating isingit o ilagay sa issue ang numero ng Pangulo sa House of Representatives. Ang Pangulo po ay bumabase sa proseso at sa ebidensiya. Kung ano po iyong makikita nilang ebidensiya, iyon lamang po ang kanilang isulong.”
Samantala, sisimulan na ng House panel ang deliberasyon sa apat na beripikadong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte sa darating na Lunes, Marso 2.
Ito ang inihayag ni House Committee on Justice Chairperson at Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro na iginiit na dito’y idedetermina kung “sufficient in form and substance” ang naturang mga reklamo laban kay VP Duterte.
“The four impeachment complaints against the Vice President have been referred, we are considering to start the deliberation of the justice Committee on March 2, ?March 3, and March 4 ?Monday -Wednesday) at least for the purpose of determining sufficiency, inform, and substance,” pahayag ni Luistro.
Aniya, limang hakbang ang isasagawa ng kaniyang komite sa pagtalakay sa naturang impeachment.
Kung madetermina na ang reklamo ay walang basehan at kabuluhan ay ipadidismis ito na pagbobotohan sa plenaryo.
Gayunman kung mapatunayan aniyang ‘sufficient in form and substance’, iisyuhan nila ng abiso si VP Duterte para sagutin ang alegasyon sa loob ng 10 calendar days.
“And from reply, the respondent has again three calendar days to file rejoinder. In the step three, if there is a sufficient basis for the impeachment complaints, we will proceed to step four,” ani Luistro na rito’y mag-iimbita sila ng complainant, testigo at maging si VP Duterte ay iisyuhan rin ng subpoena.

Sakaling mapatunayang may “probable cause” ay pagbobotohan ito sa plenaryo na ikalimang bahagi na kapag nakakuha ng 1/3 na boto ay dadalhin na sa Senate Impeachment Court. (KRIS JOSE)