MANILA, Philippines – NAKATAKDANG bumisita sa Pilipinas si South Korean President Lee Jae Myung sa darating na Marso 3 hanggang 4, 2026, sa imbitasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na ito ang kauna-unahang pagbisita ni President Lee sa Pilipinas at kauna-unahang state visit matapos maging epektibo ang Free Trade Agreement (FTA) sa pagitan ng Pilipinas at Republic of South Korea noong December 31, 2024.
Sina Pangulong Marcos at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos ang sasalubong kina Lee at sa Unang Ginang Kim Hea Kyung sa Palasyo ng Malakanyang sa Marso 3.
Kasabay ng pagbisita ni Lee sa bansa ang ika-44 anibersaryo ng pagtatatag ng diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at South Korea noong Marso 1949.
“Nakatakdang magkaroon ng bilateral meeting ang mga lider upang pag-usapan ang iba’t ibang kooperasyon ng dalawang bansa. Kabilang dito ang kooperasyon sa defense, maritime, economic and development fields, at people-to-people ties,” sinabi ni Castro.
“Inaasahan ding magkakaroon ng palitan ng pananaw ang dalawang lider hinggil sa usapin sa rehiyon at iba’t ibang international issues bilang tugon sa masiglang ugnayan ng dalawang bansa,” dagdag nito. Kris Jose