Home OPINION U.S.A NA MPD STATION COMMANDER

U.S.A NA MPD STATION COMMANDER

158
0

MABIGAT ang trabaho ng isang station commander. Sa madaling salita, hindi biro ang nakaatang sa kanyang balikat na responsibilidad. Siya ang may pananagutan sa bawat kilos at galaw ng kanyang tauhan, at siyang dapat mangasiwa sa operasyon ng istasyon.

Pero teka, sa 14 na istasyon ng pulisya sa Maynila, isa sa mga ito ang napaulat na USA o under sa saya ng asawa. Bukod sa pagiging “Andres” itong si Sir ay ilang beses na naiulat dahil sa mga tauhang sangkot sa bentahan at pagpapakalat ng iligal na droga.

Siyempre, hindi maniniwala ang Manileños na walang kinalaman ang hepe sa gawain ng kanyang mga paboritong tauhan. Bukod sa droga, kasali rin sa mga alegasyon laban sa station commander ang iligal na sugal.

Balikan natin ang pagiging “Andres de Saya” nitong si Kernel. Bakit ba napabalitang USA nga siya? Kasi raw, sunud-sunuran siya sa kanyang asawa, na hindi pulis, ngunit bawat sabihin nito ay puro “yes dear” si Sir.

Sinasabi sa info text na si Mrs ang namamahala sa deployment at opisyal na galaw ng istasyon. Kapag ang galaw ng istasyon ay nakadepende sa hindi kwalipikadong indibidwal, malinaw ang problema sa pamumuno at accountability.

Sa ganitong sitwasyon, nararapat na National Police Commission sa ilalim ni Commissioner Ralph Calinisan ang magsagawa ng masusing imbestigasyon. Pero maganda ring makialam si Manila Police District director PBGen Arnold Abad nang sa ganoon ay mismong siya ang makasaksi sa mga pangyayari.

Kapag, positibo, tiyak namang hindi mangingimi itong si Gen Abad na sibakin ang commander na ito sapagkat itong MPD director ay hindi kailanman nagpailalim sa kanyang asawa. He! He! He!

Sa madaling salita, tiyak na masisibak itong station commander na nagbigay sa sarili nang bansag na “Bu….”. Hindi “buwang” ang bansag sa kanya, promise. Feeling kasi ni Kernel ay sisikat siya sa bansag niya sa sarili. Hindi tatayuan ng balahibo sa iyo si Mayor Isko Moreno. At hindi mo rin maiimpres si Yorme.

Kaya pwedeng pwede na sibakin ang opisyal na ito. Pero huwag naman ipalit sa kanya ay “jowa” niya. Hindi naman pwede dahil hindi pulis si si Mrs “Bu…..”

Ang pananagutan sa pulisya ay hindi biro. Kung hindi mananatili ang tamang pamumuno at disiplina sa istasyon, aba’y magkakaroon ng malaking problema.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here