Home NATIONWIDE Rockshed, pagkukumpuni ng bahagi ng Kennon Road tatapusin na ng DPWH

Rockshed, pagkukumpuni ng bahagi ng Kennon Road tatapusin na ng DPWH

149
0

MANILA, Philippines – Tatapusin na ng Department of Public Works and Highways ang proyektong hindi natapos na rockshed at pagkukumpuni sa bahagi ng Kennon Road na gumuho noong nakaraang taon.

Ayon ito kay DPWH Secretary Vince Dizon matapos ang ginawa niyang pag-iinspeksyon.

Bahagi aniya ang pagsasaayos na ito ng mas malawak na plano upang gawing isang “all-weather road” ang Kennon Road para mas maging matatag at ligtas ang kalsada, kahit sa malalakas na ulan o bagyo.

Personal na nag-inspeksyon ang kalihim sa naiwang mga proyekto para siguraduhin sa mga local government units ng Baguio, Tuba, at Benguet na tatapusin agad ito.

Samantala, bukod sa Kennon Road ay inutos din ni Dizon ang pagpapalawak sa makipot na daanan patungo sa Major Mane-Kennon Road Bypass Road upang maiwasan ang pagsisikip ng trapiko kapag sinimulan na ang road repair dahil ito aniya ang magiging mas mabilis at alternatibong ruta para sa mga motorista at residente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here