Home NATIONWIDE Excise tax sa produktong petrolyo, pinasususpinde sa gitna ng Middle East crisis

Excise tax sa produktong petrolyo, pinasususpinde sa gitna ng Middle East crisis

237
0
Pinangunahan ni Senador Bam Aquino ang pagdinig ng Komite sa Batayang Edukasyon upang talakayin ang Senate Resolution No. 252 o ang mga Pampubliko-Pribadong Pakikipagtulungan bilang pangunahing estratehiya upang matugunan ang pagsisikip ng mga silid-aralan."Mahigpit na kinakailangan ang isang buong bansa, buong gobyerno na lapit upang matugunan ang krisis sa edukasyon. Ang pondong ito ay dapat gamitin upang magtayo ng mga silid-aralan sa tamang presyo, sa tamang paraan, at sa tamang oras,” sabi ni Aquino nitong Lunes, Pebrero 9, 2026.

MANILA, Philippines – Nagpaalala si Senador Bam Aquino sa gobyerno na pinapayagan ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law ang awtomatikong suspension ng excise taxes sa produktong petrolyo kapag pumalo ang presyo ng langis sa world market ng $80 kada bariles.

Sa nasabing probisyon, na isinulong ni Aquino, awtomatikong tinitigil ang pangongolekta ng excise tax sa produktong petrolyo kapag pumalo ang average price ng langis sa global market ng $80 kada bariles sa susunod na tatlong buwan.

Inanunsyo ng mga lokal na kumpanya ng langis na ang presyo ng gasolina at diesel ay tataas ng P1.90 at P1.20 kada litro sa Martes, ayon sa pagkakasunod.

“Sa isinulong nating safeguard sa TRAIN Law, pinapayagan ang automatic suspension ng pangongolekta ng excise tax sa langis kapag lumampas sa $80 kada bariles ang presyo ng langis sa world market,” wika ni Aquino.

“Makatutulong ang suspension na ito para mabawasan ang bigat ng inaasahang pagtaas ng presyo ng langis dahil sa kaguluhan sa Middle East,” dagdag pa niya.

Nagbabala ang senador na ang pagtaas ng presyo ng langis ay magdudulot ng domino effect sa presyo ng pagkain at iba pang bilihin, na magpapabigat pa sa pasanin ng mga Pilipino. Inaasahan din siyang maghahain ng resolusyon kaugnay nito.

Ngayong ika-20 Kongreso, naghain si Aquino ng Senate Bill No. 265 na naglalayong alisin ang excise tax sa diesel, kerosene, liquefied petroleum gas (LPG), fuel oil, at unleaded gasoline na ipinataw sa ilalim ng TRAIN Law.

“These taxes have contributed to higher fuel prices, which in turn cascade into increased costs for goods and services, disproportionately affecting low- and middle-income Filipinos,” paliwanag niya.

Kapag naisabatas, iginiit ni Aquino na magbibigay ang panukala ng agarang ginhawa sa mga commuter at tsuper, lalo na sa sasakyang gumagamit ng diesel gaya ng jeepney, bus, at delivery vehicle.

Magdudulot din ito ng mas mababang gastusin ng mga kabahayan sa pagluluto at ilaw, lalo na sa mahihirap at off-grid na komunidad, at makababawas sa gastos sa gasolina at logistics ng mga producer at maliliit na negosyo.

“It will also help stabilize prices of basic goods and services amid persistent inflationary pressures,” punto pa ni Aquino. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here