MANILA, Philippines – Sinabi ni Sen. JV Ejercito noong Miyerkules na magsisimula ang Senate panel on ethics and privileges sa March 18 sa pagsusuri ng anim na pending ethics complaints laban sa mga kasalukuyang senador.
Ayon kay Ejercito, hindi pa puwedeng kumilos ang panel dahil kakalathala lamang ng kanilang na-adopt na rules.
Kasama sa panel sina Sen. Risa Hontiveros, Sen. Erwin Tulfo, Sen. Kiko Pangilinan, Sen. Rodante Marcoleta, Sen. Imee Marcos, at Senate President Vicente Sotto III.
Anim na reklamo ang naisampa laban sa mga senador, kabilang na ang kaso laban kina Ejercito at Bato dela Rosa.
Idiniin ng panel chair na ilalabas lamang ang pangalan ng mga senador kapag napatunayang may sapat na basehan ang reklamo.
Posibleng irekomenda ng komite ang mga parusa mula suspension hanggang expulsion depende sa bigat ng kaso. RNT/MND