Home METRO Construction worker utas sa hit’n’run sa La Union

Construction worker utas sa hit’n’run sa La Union

177
0

LA UNION, Philippines – Tigok ang isang 56-anyos na lalaki matapos mabangga ng isang van sa national highway sa Brgy. Pagdalagan Sur, Bauang ng lalawigang ito nitong Martes, Marso 3.

Ayon sa Bauang MPS, ang biktima ay isang construction worker, may asawa, residente ng naturang bayan.

Isang  kulay puting Toyota Hiace van na  bumibiyahe  papuntang hilagang direksyon ang aksidente umanong nakabangga sa biktima habang tumatawid  ito  ng highway galing ng kanluran papuntang silangan.

Hindi umano tumigil ang Hiace van at nagpatuloy lang sa pagtakas.

Isinugod naman sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here