Home NATIONWIDE Pagsasaayos ng PH railways, makatutulong sa paglutas ng problema sa trapiko –...

Pagsasaayos ng PH railways, makatutulong sa paglutas ng problema sa trapiko – Japan envoy

176
0

MANILA, Philippines – Nangako ang Japan na tutulong sa Pilipinas sa paglutas ng problema sa trapiko sa pamamagitan ng patuloy na pamumuhunan at pakikipagtulungan sa mga proyekto sa railway.

Sa isang pahayag, sinabi ni Endo Kazuya, Japanese Ambassador sa Pilipinas, na matagal nang katuwang ng bansa ang Japan sa layunin ng sustainable development, lalo na sa pagpapabuti ng railway system.

Noong nakaraang buwan, lumagda ang Pilipinas at Japan ng panibagong loan deal para sa rehabilitasyon ng MRT Line 3.

“Reliable transport is not only essential to economic growth, but also for improving the daily lives of ordinary citizens. Through various forms of support, Japan is proud to contribute to the advancement of the Philippine railway system,” ayon kay Ambassador Endo.

Dagdag pa niya, halos lahat ng railway project sa Pilipinas ay may partisipasyon ng mga railway expert mula sa Japan.

“Japan’s railway experts are, in fact, involved in almost all of the Philippines’ railway projects,” aniya.

Ayon pa sa ambassador, malapit na nakikipag-ugnayan ang mga Japanese firm sa kanilang mga partner sa bansa upang magbigay ng technical expertise para sa rehabilitasyon ng MRT-3.

“I sincerely hope that, through our joint efforts, MRT-3 will continue to provide safer, more reliable, and more convenient service for commuters,” ayon kay Ambassador Endo.

Ang ikalawang supplemental loan para sa proyekto ay nagkakahalaga ng ₱8.175 bilyon o humigit-kumulang ¥21.634 bilyon. Ang unang loan ay nilagdaan noong 2023 kasama ang Japan International Cooperation Agency (JICA) na nagkakahalaga ng ¥17.4 bilyon.

Kabilang sa mga kondisyon ng loan ang 0.8% interest kada taon, 40 taong repayment period na may kasamang 10 taong grace period, at tied financing term.

Ayon pa sa envoy, ipinapakita ng kasunduang ito ang matibay na tiwala at kooperasyon sa pagitan ng Japan at Pilipinas sa pagpapalakas ng railway system ng bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here