Home NATIONWIDE DILG: Nadiskubreng tobats sa OccMin, mula sa “sopistikadong” Chinese drug syndicate

DILG: Nadiskubreng tobats sa OccMin, mula sa “sopistikadong” Chinese drug syndicate

149
0

MANILA, Philippines – Inihayag ni Juanito Victor ‘Jonvic’ Remulla nitong Biyernes, Marso 13 na natunton ng mga awtoridad ang P5.8-bilyong halaga ng shabu na naharang sa Paluan, Occidental Mindoro sa isang “napaka-sopistikadong” international drug syndicate na pinamumunuan ng mga Chinese.

Ayon kay Remulla, hindi ito mga ordinaryong kriminal. Gumamit pa ang sindikato ng drones para sundan ang droga nang masadsad ang kanilang speedboat, ngunit nahuli rin sila ng mga pwersa ng gobyerno.

“We think that they are part of an international drug syndicate. This is a very sophisticated organization. Biro mo, noong sumadsad sila diyan at hinabol sila, may mga drones na in-employ ‘yung mga ‘yan para hanapin kung saan ‘yung mga drugs na ito,” ani Remulla.

“They are not ordinary criminals. These are syndicates, these are foreign, these are Chinese-run syndicates na winawalanghiya ang ating bansa. Again, hindi tayo galit sa Chinese, hindi tayo galit sa China, pero galit tayo sa mga kriminal na Chinese na pumupunta rito,” dagdag niya.

Sinabi rin ng DILG chief na ang modus operandi ng grupo ay transshipment, mula sa malaking barko sa dagat papunta sa mas maliit na bangka para ihatid sa mainland, na nagpapakita ng koordinadong network.

Nahuli ang dalawang Chinese nationals na sina Xing Xing Zhan at Bin Shi, at dalawang Pilipinong “low-level” operatives. Isang babae na pinaniniwalaang lider ng grupo ang kasalukuyang hinihahanap, na may umiiral na manhunt; ayon kay Remulla, nagrenta siya ng bahay sa Batangas mula Nobyembre 2025.

Kinumpirma naman ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Mimaropa na ang nakumpiskang droga ay methamphetamine na may 90% purity. Ipinasa na ang shabu sa PDEA para sa karagdagang imbestigasyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here