Home NATIONWIDE Paggamit ng body cameras sa operasyon, palalawakin ng PNP

Paggamit ng body cameras sa operasyon, palalawakin ng PNP

134
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine National Police (PNP) na handa silang palawakin ang paggamit ng body-worn cameras matapos aprubahan ng Senado ang “Law Enforcement Body-Worn Camera Act.”

Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., makakatulong ang batas upang mapalakas ang transparency at accountability sa police operations. “We have long been using body-worn cameras for we believe that they are instruments of truth, transparency and accountability. We hope that this legislative measure will lead to the PNP’s acquisition of more of this recording device in the future,” aniya.

Sa kasalukuyan, ginagamit na ang body cameras sa ilang unit sa mga operasyon tulad ng pag-aresto at checkpoints. Inaasahan ding darating ang mahigit 17,000 bagong units sa Mayo 2026 para mas mapalawak ang paggamit nito sa buong bansa.

Dagdag pa ng PNP, makakatulong ang body cameras na protektahan ang publiko laban sa pang-aabuso at ang mga pulis laban sa maling paratang.

Sa ilalim ng panukalang batas, obligado ring magsuot ng body cameras ang mga tauhan ng PNP, NBI, BJMP, at PDEA sa kanilang mga operasyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here