Home NATIONWIDE P1 taas-pasahe binatikos ng transport groups; strike tuloy sa Marso 19

P1 taas-pasahe binatikos ng transport groups; strike tuloy sa Marso 19

129
0

MANILA, Philippines – Binatikos ng mga lider ng transport group ang pag-apruba ng pamahalaan sa ₱1 dagdag-pasahe sa jeep, na tinawag nilang “a slap in the face” sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

“It is a slap in the face to our sector that petroleum prices, particularly diesel, were raised by more than one hundred percent, while the fare increase is only one peso,” ayon kay Manibela president Mar Valbuena.

Nauna nang inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) ang provisional fare hike na ₱1 sa traditional jeep at ₱2 sa modern jeep dahil sa pagtaas ng presyo ng langis dulot ng giyera sa Middle East.

Ayon naman kay Piston president Modesto Floranda, maliit lamang ang dagdag kita ng mga tsuper at hindi sapat ang ₱1 kumpara sa kanilang panawagang ₱5 dagdag-pasahe at pagtanggal ng VAT at excise tax sa fuel.

“Our call: remove the taxes on fuel, roll back the crude oil price to P55.00, and grant the P5.00 fare increase,” ani Floranda.

Kahit may fare hike, itutuloy pa rin ng Piston ang nationwide transport strike simula Marso 19 dahil hindi pa natutugunan ang kanilang mga panawagan.

Ipinunto rin ng mga lider na aabot sa ₱3,600 ang arawang gastos sa diesel ng mga tsuper, habang ang ₱1 dagdag-pasahe ay katumbas lamang ng humigit-kumulang ₱200 dagdag kita kada araw. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here