Home HOME BANNER STORY Flexible work setup sa pribadong kumpanya, inirekomenda ng DOLE

Flexible work setup sa pribadong kumpanya, inirekomenda ng DOLE

147
0

MANILA, Philippines – Pinayuhan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga pribadong kumpanya na magpatupad ng flexible work arrangements dahil sa pagtaas ng presyo ng langis na dulot ng tensyon sa Middle East.

Ayon sa DOLE, maaaring magpatupad ng four-day workweek o work-from-home setup upang makatulong sa gastos ng kumpanya at kapakanan ng mga manggagawa. “Sa framework ng DOLE, voluntary po ang adoption ng alternative work arrangement, flexible work arrangement, or telecommuting,” ayon kay BWC Director Alvin Curada.

Sa four-day workweek, hahatiin ang 40 oras na trabaho sa apat na araw, habang sa work-from-home setup ay maaaring magtrabaho sa bahay ang empleyado sa isang araw depende sa uri ng trabaho.

Dagdag ng DOLE, may mga sektor na hindi kayang ipatupad ito, kaya boluntaryo lamang ang paggamit nito. Kailangang magsumite ng ulat ang mga employer kapag nagpatupad ng ganitong setup. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here