Home NATIONWIDE Kahandaan ng agriculture sector sinuri ng Kamara; ayuda sa mga magsasaka ilalarga...

Kahandaan ng agriculture sector sinuri ng Kamara; ayuda sa mga magsasaka ilalarga sa Mayo

126
0

MANILA, Philippines – Isang briefing ang ginawa ng House Committee on Agriculture and Food para sa Department of Agriculture(DA) upang alamin ang kahandaan ng ahensya sa patuloy na nararanasang tensyon sa Middle East.

Ang briefing ay pinangunahan ni House Committee on Agriculture and Food Chairman at Quezon Rep. Mark Enverga kung saan kasama sa natalakay ay ang contingency plans para suportahan ang mga magsasaka, pagtiyak na may sapat na supply at mapigilan ang lubos na pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin,

“This briefing comes at a critical time. These are not abstract risks—they have direct and immediate consequences on food production, prices, and the livelihoods of millions of Filipinos,”paliwanag ni  Enverga.

Sa nasabing briefing inamin ni Agriculture Undersecretary Roger Navarro na dahil sa kaguluhan sa Gitnang Silangan ay nagkaroon na ng pagtaas sa presyo ng fertilizer.

Kinumpirma naman Assistant Secretary U-Nichols Manalo na Ilalarga ng DA ang ayuda para sa mga magsasaka pagdating ng buwan ng Mayo, ang pondo ay kukunin mula sa P10 Billion Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk na nasa ilalim ng 2026 budget.

“We are targeting to provide assistance to about 4.17 million farmers and fisherfolk starting May,  rice farmers receiving aid through digital transfers, while others will be covered through distribution caravans” ani Manalo.

Sinabi ni Manalo na P5,000 ang matatanggap ng mga magsasaka habang P3,000 sa mga mangingisda.

Tiniyak naman ni Enverga kanilang patuloy na imomonitor ang kahandaan ng DA sa nararanasang krisis.

“Our objective is straightforward: to ensure that our farmers and fisherfolk are protected, our food supply remains stable, and our country is prepared for any escalation of global risks,” pagtatapos pa ni Enverga. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here