Home METRO 2 arestado sa ilegal na pagbebenta ng Gasolina sa NSamar

2 arestado sa ilegal na pagbebenta ng Gasolina sa NSamar

132
0

SAMAR, Philippines – Naaresto ng pulisya sa Lavezares, Northern Samar ang dalawang lalaki noong Lunes hapon dahil sa umano’y ilegal na transportasyon at pagbebenta ng petroleum products.

Ayon sa Lavezares Municipal Police Station, naaresto sina “Pran,” 49, driver mula Barangay Libas, at “Edu,” 52, crew member ng Fuel Central Inc. mula Barangay 6, Pambujan, nang mahuli sila sa Barangay Barobaybay na may dala-dalang 54 container ng gasolina na nagkakahalaga ng P83,776.

Sinabi ng mga suspek na utos ng pamunuan ng Fuel Central Inc. ang paghahatid ng gasolina sa pier sa Barobaybay para sa transport papuntang isla ng Biri.

Naaresto sila sa ilalim ng Presidential Decree No. 1865 dahil sa illegal possession, transport, at sale ng petroleum products. Dinala ang mga suspek, kasama ang nasabat na gasolina at sasakyan, sa pulisya para sa kaukulang kaso. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here