Home NATIONWIDE Pinas, bibili ng 2M bariles ng langis para palakasin buffer stock

Pinas, bibili ng 2M bariles ng langis para palakasin buffer stock

174
0

MANILA, Philippines — Plano ng pamahalaan na kumuha ng hindi bababa sa dalawang milyong bariles ng langis sa pamamagitan ng Philippine National Oil Company-Exploration Corp. (PNOC-EC) upang mapalakas ang buffer stock ng bansa sa gitna ng pagtaas ng presyo at kawalan ng katiyakan sa suplay dulot ng krisis sa Middle East.

Sa kanyang talumpati sa InvestPH Investors Conference, kinilala ni Finance Secretary Frederick Go na patuloy ang pagtaas ng presyo ng langis at “volatility is expected in the short term,” habang naghahanda ang pamahalaan ng mga hakbang upang tugunan ang sitwasyon.

“PNOC-EC will be procuring two million barrels of oil from the global market as a precautionary measure to add to our oil buffer stock,” ani Go.

Ayon sa Department of Energy, ang kasalukuyang fuel reserves ng bansa ay sapat lamang para sa humigit-kumulang 50 araw.

Sinabi ni Go na nakatuon ang pamahalaan sa mga hakbang na kaya nitong kontrolin sa loob ng bansa upang maibsan ang epekto ng pandaigdigang krisis.

“But we will not be defined by what we cannot change. Our ultimate goal remains clear: We will continue to balance immediate relief with long-term fiscal stability, ensuring that the Philippines emerges stronger and more self-reliant,” aniya.

Bilang tugon sa pagtaas ng presyo ng langis, ipinatutupad ng gobyerno ang iba’t ibang suporta tulad ng fuel subsidies para sa transport sector, mga magsasaka, at mangingisda, gayundin ang pagbabalik ng Libreng Sakay program.

“This includes expediting fuel subsidies for transportation, farmers, and fisherfolk. The Libreng Sakay Program will also be reintroduced to ease commuting costs,” ani Go.

Dagdag pa niya, paiigtingin ang paglalabas ng pondo para sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), habang nakikipag-ugnayan din ang pamahalaan sa mga oil company upang i-stagger ang pagtaas ng presyo ng fuel.

Binanggit din ni Go ang mga panukalang batas tulad ng pagbibigay ng emergency powers sa Pangulo upang mabawasan ang fuel excise tax at ang amyenda sa Biofuels Act na magpapahintulot sa pansamantalang pagsuspinde ng mandatory blending.

“The passage of both bills will help mitigate the impact of fuel price increases on consumers,” dagdag niya. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here