Home OPINION P8B DISALLOWANCE SA DA ISINIWALAT NI MIKE DEFENSOR

P8B DISALLOWANCE SA DA ISINIWALAT NI MIKE DEFENSOR

158
0

PAANO nga ba sinusukat ang standard ng accountability sa ating bansa?

Patas nga ba talaga ang Kongreso at ang gobyerno sa pagtingin sa mga pananagutan ng mga ahensya ng pamahalaan na nakikitaan ng mga anomalya?

Ito ang naging katanungan ni Anak Kalusugan Rep. Mike Defensor kasabay nang ginawa niyang paglalabas ng Commission on Audit report hinggil sa pondo ng Department of Agriculture.

Batay sa COA report, sinabi ni Defensor na natuklasan na may halos P8 bilyong notice of suspension at disallowance ang ahensya.

Hindi naman nagbibintang si Defensor na may nagaganap na anomalya sa DA ngunit kahina-hinala ito. Ang tanong, may anomalya nga ba o wala?

Nagtataka si Congressman Mike kung bakit walang nangyayaring ingay sa Kongreso hinggil dito? Bakit ni isa sa mga kongresman ay walang naghahanap ng accountability laban sa pinuno ng DA. Bakit walang pagdinig ng mga maeepal na mambabatas?

Bakit walang kasong Impeachment laban kay Pangulong Bongbong Marcos gayong nasa ilalim ng kanyang tanggapan ang DA?

Dito ngayon mapatutunayan ang kawalan ng hustisya sa Kongreso. Wala silang pakialam sa mga anomalya at kabulastugan sa mga ahensya ng gobyerno kapag “kakampi” nila ang mga matatamaan. Palibhasa, si Francisco Tiu Laurel, Jr. ay “bata-bata” ni Marcos, Jr.

Pero kay Vice President Sara Duterte, P73 milyon lang na subject for liquidation ay ginawa nang malaking national issue at humantong pa sa pagsasampa ng Impeachment laban sa Pangalawang Pangulo.

Kung ganito pala ang paghahanap ng accountability, malinaw na malinaw na ang Impeachment sa Kamara laban kay VP Sara ay isang malaking kabulastugan.

Isa lamang itong pulitika at hindi paghahanap ng hustisya.

Ayon sa dating mambabatas ng Quezon City, kahit araw-araw na maglabas siya ng COA report sa mga departamentong may kahina-hinalang paggamit ng pondo ay gagawin niya.

Ito ay upang makita ng madlang pipol kung patas nga ba talaga ang accountability sa Kongreso at gobyerno. Mga pukaw na n’yo!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here